Tuesday, August 02, 2005

parang ayoko na yata

PARANG AYOKO NA ATA

Naubos na ang barya

Sa kakayosi at kakabasa
Ng magazines mong nakahilata
Dyan sa sala

Mag gagabi na pala!
Di ba't sinabi ko ala-una?
Mabuti na lang
Mabagal akong magbasa...
Dumating ka na sana!
Bakit di ka man lang nagbilin
Na may balak ka pala
Biglang mag-ice skating?

Kung di ka pa tinawagan
Maiisip mo kayang ako'y DI BALE NA!
Nakakasawa din pala.
Kapag paulit-ulit
Ang buhos ng galit!
Parang ayoko na yata.
Nakakapagod din pala
Ang iyong mukha...

At kung may balak ka pang
Ulitin sa kin yon

May ibubulong ako sa yo
Putang ina mo!

Bakit nagtitiyaga sa'yo?
Ang dami-dami kong reklamo!
Parang ayoko lang magsalita
Parang ayoko na yata
Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pano gagawin
Akala ko siguro na hindi ko kaya
At nung ika'y dumating
Mula sa yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi.
"Napagod ka ba?.Kumain ka muna!"
Pagkat di ko kayang magalit
Pag nakita na kita, tumatamis ang pait!
Laging pinipilit
Na magsungit ngunit di bale na!
Napapatawad na kita
Hindi na magagalit wag lang ma-ulit
At nung tayo'y kakain na
Biglang sinabi mong may lakad kang iba
At kahit gusto sana kitang awayin na
Sinabi ko."bahala ka.basta mag-ingat ka"
Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil, sobrang alam mong
Di ko kayang mawala ka

Maswerte ka't mahal kita
Ang malas talaga!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home